CANORECO Balita

CEREMONIAL TURN-OVER NG 100 PIRASONG ARMCHAIRS NG CANORECO AT APRI MATAGUMPAY NA IDINAOS

Sa pagtutulungan ng ABOITIZ Foundation at CANORECO ay matagumpay na idinaos ang Ceremonial Turn- Over ng One Hundred (100) pcs na armchairs sa Manguisoc National High School sa Mercedes at sa Salvacion (Big) Elementary School sa San Lorenzo Ruiz noong February 13, 2018.

Ang nasabing proyekto ay parte ng Corporate Social Responsibility o CSR ng mga nasabing tanggapan. Ito ay pinangunahan ng CANORECO Officer in Charge-General Manager Zandro R. Gestiada, Board Pres. Engr. Edwin H. Lamadrid, Dir. Juanito A. Palmero ng District X ( Mercedes ), Dir. Socrates J. Fuentebella ng District III ( Daet South/San Lorenzo Ruiz), at ilang kawani ng CANORECO. Dinaluhan din ito ng ABOITIZ Representatives na sina G. Jeremiah Padilla, G. Lester Catipan, at Gng. Regine Baltazar, mga OIC ng nasabing paaralan na sina sina Gng. Cynthia Zabala at Gng. Mercy Salagoste.

Ipagpapatuloy ng kooperatiba ang ganitong mga programa tulad ng mga isinagawa ng proyekto sa mga nakalipas na taon na libreng pailaw, medical mission at pamimigay ng kinakailangang pasilidad sa mga eskwelahan.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Membership Services Division sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09177646763.