Nakapagsumite na ang CANORECO ng Application for Franchise Renewal sa Committee on Legislative Franchises ng House of Representatives noong February 19, 2024. Personal itong dinala ni General Manager Zandro Gestiada kasama ang ilang manager at supervisor ng kooperatiba.
Ang mga dokumento ay binubuo ng tatlumpuโt dalawang (32) set na may siyam na raan at walong (908) pahina ang bawat isa. Kada set ay mayroong tatlong (3) volume na naglalaman ng detalyadong profile ng CANORECO at ng komprehensibong ulat na nagpapakita ng kakayahan nito na maipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyong pangkuryente sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ang pagsumite ng mga dokumentong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng CANORECO sa transparency, accountability at sa patuloy na pagpapahusay ng pagbibigay-serbisyo nito sa mga Member Consumer Owner ng Camarines Norte.
Ang proseso ng Franchise Renewal ay mahalagang sandali para sa CANORECO sapagkat nais nitong maipagpatuloy ang pagiging bahagi ng pagpapaunlad sa mga tahanan, negosyo at komunidad sa buong lalawigan. Sa pagsumite ng mga dokumentong ito, nananatiling positibo ang pananaw ng kooperatiba at nananatiling matatag ang layunin nito na maghatid ng serbisyo ng kuryente.
Inaasahang susuriin ng Congress of the Philippines ang mga dokumentong isinumite sa kanila ng CANORECO. Ang pag-apruba rito ay magbibigay sa kooperatiba ng isang dalawampuโt limang (25) taong prangkisa na maging distributor ng kuryente sa Camarines Norte. Habang naghahanda ang kooperatiba sa susunod na hakbang sa pag-renew ng prangkisa nito, makakaasa ang lahat na patuloy pa rin ang pagpapabuti ng serbisyo nito.
Nagpapasalamat ang CANORECO kina Camarines Norte 1st District Representative Josefina B. Tallado at 2nd District Representative Rosemarie C. Panotes sa patuloy na suporta sa Franchise Renewal Application ng kooperatiba, at sa mga Member Consumer Owners sa patuloy na pagtangkilik sa kooperatiba ng kuryente ng Camarines Norte.