CANORECO Balita

DECEMBER 2021 BILLING RATES, BUMABA

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa December 2021 billing. Ang residential rate ay Php10.9501 per kWh na lamang kumpara sa Php11.2033 per kWh noong nakaraang November 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php9.9966per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.3833 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na nasa Php0.2532 per kWh.

Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.3301 per kWh na resulta ng mas mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para sa supply month ng November 2021. Bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0279 per kWh.

Samantala, bahagyang tumaas ang Transmission Charge ng Php0.0864 per kWh dahil sa mas mataas na ancillary services charge sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Bahagya ring tumaas ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA), Lifeline Subsidy at Value Added Tax (VAT) Charges na may kabuuang Php0.0184 per kWh.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.

Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa power supplier gaya ng APRI at power seller gaya ng WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/ agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph