Sa May 15, 2022, apat napu’t anim na taon na ang nakararaan mula ng magsimula ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) bilang isang non-stock, non-profit, non-sectarian at non-political electric service distribution utility, at isang tunay na kooperatiba sa elektrisidad na maglilingkod sa labindalawang (12) bayan ng lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay matapos mailipat sa CANORECO noong May 14, 1976 ang pamamahala sa Daet Electric Plant na isang pribadong kompanyang pinangangasiwaan ng Hidalgo Enterprises. Binili ng CANORECO ang prangkisa at pagmamay-ari ng nasabing kompanya sa halagang Php3,500,000.00 na ipinagkaloob ng National Electrification Administration (NEA) bilang bahagi ng paunang pautang sa bisa ng isang loan agreement.
Nagsimula ang CANORECO noon sa 5,782 Consumers o 5,894 connections. Ngayon, may 123,691 Member Consumer Owners (MCOs) na ang kooperatiba na may 134,525 consumer connections.
Sa pagdiriwang na ito, may mga aktibidad na isasagawa ang CANORECO para sa mga MCOs, Directors at para na rin sa mga empleyado ng kooperatiba.
Sisimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na gaganapin katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa May 12, 2022 sa Brgy. Hinipaan, Mercedes kung saan magtatanim dalawandaang (200) seedlings ng Pili.
Susundan ito ng Gift Giving Activity na gaganapin sa May 13, 2022 sa Halfway Home, Brgy. Bagasbas, Daet katuwang ang Camarines Norte Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Sa parehong araw nakaschedule naman ang taunang pagpapamisa (Holy Mass) sa mga simbahan sa buong lalawigan tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang kooperatiba.
Katuwang ang Philippine Red Cross – Daet Chapter, magsasagawa naman ng Blood Letting Activity sa May 24, 2022 na gaganapin sa CANORECO Daet Area Office, Brgy. 1, Daet.
Magkakaroon naman ng CANORECO Employees’ Day sa May 28, 2022 na gaganapin sa Arsen’s Farmville Resort, Brgy. Laniton, Basud.
At para naman sa mga updated residential at commercial Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO, magpapa-raffle ang kooperatiba ng apatnapu’t anim (46) na Php100 discount coupons at apatnapu’t anim (46) na Php200 discount coupons sa May 30, 2022 na gagawin sa CANORECO Talisay Main Office, Brgy. Itomang, Talisay.
Sa taunang pagdiriwang na ito, muling nagpapasalamat ang CANORECO sa mga MCO na syang nagmamay-ari sa kooperatiba, at sa mga opisyal at empleyado na siya namang nagpapatakbo nito. Nawa’y maging mas maayos ang samahan ng mga MCO, mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba para sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph

