CANORECO Balita

IKA 36 TAONG ANNUAL GENERAL MEMBERSHIP ASSEMBLY MATAGUMPAY NA GINANAP

Noong Agosto 25, 2018, Sabado nagdaos ng ika- 36 na Taunang Pagpupulong Ng Pangkalahatang Kasapian ang Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) sa Daet Agro Sports Center at Labo Sports Complex. Ang sabay na pagpupulong ay ginanap sa pamamagitan ng Video Conferencing. Ang naging paksa ng palatuntunan ay “Lakas Ng Miyembro Para Sa Progresibong CANORECO”.  

Ang asembliya ng mga taga Bicol Speaking towns tulad ng  bayan ng Daet, Vinzons, Mercedes, Basud, Talisay, San Vicente at San Lorenzo Ruiz ay ginanap sa Daet Agro Sports Center. Samantalang sa Labo Sports Complex naman ang mga taga Tagalog Speaking tulad ng Labo, Sta. Elena, Capalonga, Paracale at Jose Panganiban.

[easingslider id=”3238″]

 

Ang naging panauhing pandangal ay ang Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. o PHILRECA President na si Ginoong Presley C. De Jesus. Dumalo din sa pagtitipon sina Congresswoman Marisol Panotes, Congressman Renato Unico, Vice-Governor Michael Canlas, Daet Board Member Elmer Bacuño at mga miyembro ng media.

Isa sa pinag-usapan ay ang Collective Bargaining Agreement o CBA ng CLAUSE at CARFLU. Tampok na bahagi rin ang panunumpa ng mga bagong halal na Member Consumer Owners o MCO at binigyan ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba sa taong 2017. Ang mga maswerteng nanalo naman sa mga paripa sa nasabing AGMA ay ang mga sumusunod; para sa grand prize na 2 units ng tricycyle ay nanggaling sa distrito ng Paracale at Daet North, at para naman sa unang major prize na 2 units ng motorcycle ay nanggaling sa distrito ng Capalonga at San Lorenzo Ruiz.

            Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.