CANORECO Balita

IKA 37 TAONG PAGPUPULONG NG MGA KASAPI-KONSUMIDORES NG CANORECO GINANAP NOONG AGOSTO 31, 2019

 

Matagumpay na naidaos ang ika 37th Annual General Membership Assembly (AGMA) ng CANORECO na ginanap noong Agosto 31, 2019  sa Labo  Sports Complex.

Dumalo sa nasabing okasyon sina Congressman Presley C. De Jesus ng PHILRECA partylist bilang  panauhing pandangal, Mayor Joseph  V. Ascutia ng bayan ng Labo at Mr. Robin M. Mercado bilang representative ni Congresswoman Josefina B. Tallado ng 1st District. Dumalo rin ang mga opisyales  at miyembro ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council o MSEAC at Member Consumer Owners o MCO.

Binigyan din ng parangal ang mga institusyon na may malaking naiambag sa kooperatiba sa taong 2018. Nagkaroon ng malayang talakayan at sinagot ang mga katanungan ng mga miyembro konsumidores ni General Manager Zandro R. Gestiada at Board President Edwin H. Lamadrid.

Nanumpa ang  bagong halal na Board of Director ng Talisay/San Vicente District na si G. Bartolome Armin T. Nieva at mga re-elected Directors na sina Dir. Cezar C. Elizario ng Basud at Dir. Allan V. Ojas ng  Capalonga.

Nanumpa rin ang mga bagong opisyales ng Hunta Direktiba ng CANORECO para sa taong 2019-2020 na sina G. Edwin H. Lamadrid bilang Pangulo, G. Socrates V. Fuentebella bilang Bise-Presidente, G. Allan V. Ojas bilang Secretary at si G. Cezar C. Elizario bilang Treasurer.

Sa kabuuan, nagkaroon ng 13, 558 na miyembro konsumidores ang nagrehistro.  Nagpapasalamat ang pamunuan ng CANORECO sa mga dumalong miyembro konsumidores at sa mga ahensyang tumulong upang maging maayos ang pagdiriwang ng Taunang Pagpupulong lalo na sa pamunuan ng PNP, BFP, AFP, LGU Labo, CNPH-HEMS, Red Cross –CN Chapter, MDRR –Daet, Labo, Vinzons at Basud, PDRRMO, at IMT.

Ang mga maswerteng nanalo naman sa mga paripa sa nasabing AGMA ay ang mga sumusunod; para sa grand prize na dalawang Php 50,000.00 cash ay nanggaling sa distrito ng San Vicente at Labo, para naman sa unang major prize na dalawang Php 30,000.00 cash ay nanggaling sa distrito ng Basud at Sta. Elena, para sa pangalawang major prize na dalawang Php 20,000.00 cash ay nangaling sa distrito ng Daet South at Capalonga at para sa pangatlong major prize na 2 units ng refrigerator ay nanggaling sa distrito ng Talisay at Labo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.