Bumaba ang billing rates na babayaran para sa January 2021 billing. Ang residential rate ay Php9.2990 per kWh na lamang kumpara sa Php10.1253 per kWh noong nakaraang December 2020 billing. Samantala, ang low voltage rate ay Php8.3455 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php6.6254 per kWh na. Nagkaroon ng pagbaba na nasa Php0.8263 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.3668 per kWh, Transmission Charge ng Php0.2955 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0724 per kWh, GRAM/ICERA ng Php0.0689 per kWh, Lifeline Subsidy at Senior Citizen Subsidy ng Php0.0282 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0433 per kWh.
Bumaba ang Generation Charge dahil sa bumabang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong December 2020. Isa ang WESM sa mga power supplier na binibilhan ng kuryente ng CANORECO.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Bumaba naman ang Transmission Charge dahil sa bumabang average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang tagapaghatid ng kuryente mula sa mga power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.
Samantala, tumaas naman ang Feed-In Tariff Allowance (FIT-All) mula sa dating rate na Php0.0495 per kWh na ngayon ay Php0.0983 per kWh na.
Ito ay base sa Energy Regulatory Commission (ERC) Decision noong November 23, 2020 ayon na rin sa kahilingan ng National Transmission Corporation (TransCo) na siyang namamahala sa Feed-In Tariff. Sa Section 7 ng Republic Act 9513 o “Renewable Energy Act 0f 2008” (RE Law), pinapayagan ang pangongolekta ng Feed-In Tariff para mapalago ang mga planta na gumagawa ng renewable energy o elektrisidad mula sa wind, ocean, hydro, solar at biomass.
Ang mga components na ito ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI, sa transmission utility na NGCP, at sa government agency gaya ng TransCo.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.


