Muling nakapag-organisa ang CANORECO ng ikalawang batch nito ng Member Consumer Owner Organization noong July 27, 2021 kung saan nagkaroon ng orientation at election sa Function Hall ng CANORECO Daet Area Office, Brgy. 1, Daet, Camarines Norte.
Bilang isa sa 121 electric cooperatives (ECs) sa buong bansa na pinangagasiwaan ng National Electrification Administration (NEA), binubuo ng CANORECO ang MCOO nito upang magarantiya ang pagpapalakas ng mga MCO bilang kaagapay nito sa pagkamit ng bisyon na magbigay ng sustainable rural development sa pamamagitan ng total rural electrification.
Binibigyan ng programang ito ng kapangyarihan ang mga MCO sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa kanila mula sa barangay level; pagbibigay sa kanila ng naaangkop na impormasyon at pagsasanay tungkol sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa usapin ng mga kooperatiba, programa at aktibidad nito; at paglahok sa kanila sa mga serbisyo ng EC upang mapasigla ang socio-economic development sa kanilang pamayanan.
Ang mga bagong opisyales at miyembro ng ikalawang batch ng MCOO ng CANORECO ay ang mga sumusunod:
1. Mr. Vicente Medenilla (Paracale) – Chairman
2. Mr. Ramon Barrameda (Basud) – Vice Chairman
3. Ms. Cristina Grace Malate (Daet North) – Secretary
4. Ms. Lani Smith (Jose Panganiban) – Treasurer
5. Mr. Richard Alaon (Daet South) – Member
6. Mr. Hipolito Macale (San Lorenzo Ruiz) – Member
7. Mr. Nicanor Neri (Labo) – Member
8. Mr. Jayrely Espina (San Vicente) – Member
9. Mr. Roberto Abierta (Talisay) – Member
10. Mr. Jesus Abanes (Capalonga) – Member
11. Mr. Arnel Villaflores (Sta. Elena) – Member
12. Mr. Oscar Bacerdo (Mercedes) – Member
13. Mr. Joeffrey Asis (Vinzons) – Member
Maglilingkod ang mga bagong opisyales na ito mula taong 2021 hanggang 2024 at magiging kaagapay ng kooperatiba sa mga programang ilalaan nito para sa mga MCO.
Sila ang mga napiling Chairmen/women sa mga District Member Consumer Owner Organization (DMCOO) na inorganisa mula July 5 hanggang July 19, 2021 sa CANORECO Daet Area Office.
Ang mga dumalo naman sa mga inorganisang DMCOO ay ang mga napiling Chairmen/women ng mga Barangay Member Consumer Owner Organization (Barangay MCOO) na inorganisa mula noong January 2021 sa bawat barangay ng lalawigan ng Camarines Norte.
Ang mga opisyales at miyembro ng Barangay MCOO ay mula sa iba’t ibang sektor ng kanilang barangay upang maging mas malawak ang maaabot ng kooperatiba: Agro-Fishery, Labor, Youth, Women, Education, Senior Citizen, Civic, Business, Religious at Indigenous People.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng kooperatiba sa lahat ng MCOs na naging miyembro at opisyales ng MCOO mula barangay hanggang provincial level. Nawa’y maging aktibo at produktibo ang samahang ito para lalo pang mapaganda ang CANORECO.
Nagpapasalamat din ang kooperatiba sa lahat ng Barangay Officials, Board of Directors at Cooperative Employees na nagtulong-tulong upang mabuo ang CANORECO MCOO mula sa bawat barangay ng Camarines Norte.


