Hello mga ka-MCOs, lalo na sa mga 4Ps beneficiaries! Magandang balita!
Nakasama kaninang hapon (04 July 2023, Martes) ang ating Member Education and Information Section OIC Head na si Ms. Lovely Marie Y. Occiano sa meeting ng D.S.W.D. SWO III Ms. Sheena C. Tad-o at ng mga Municipal Operations OICs kung saan napag-usapan ang mga bagay tungkol sa Lifeline Rate Subsidy.
Ang Lifeline Rate Subsidy ay isang diskwento sa bayarin sa kuryente para sa mga beneficiary ng 4Ps. Yes po, tama po ang iyong nabasa, mayroong diskwento. Pero here’s the catch, isinaad sa I.R.R. ng R.A. 11552 na napagkasunduan ng E.R.C., D.O.E., at ng D.S.W.D. na ang maaring magkaroon ng diskwento ay dapat pasok sa consumption threshold na itinakda ng E.R.C. sa kada Electric Cooperative.
Sa ating beloved CANORECO, ang nakatakda sa atin ay 20kWh na konsumo pababa. Kaya naman kung ikaw ay 4Ps beneficiary at pasok ang iyong konsumo sa 20kWh pababa, aba, punta na agad sa pinakamalapit na Area Office natin upang makapag-apply na for discount!
Nagpapasalamat kami sa mga personnel ng D.S.W.D. na bumubuo sa Provincial Link 5 lalo na kay Ms. Sheena C. Tad-o, SWO III sa full of energy na suporta at tulong upang mas maipalam pa sa mga beneficiaries ang tungkol sa Lifeline Rate Subsidy.