Sumailalim sa Personality Development Seminar ang mga Office Frontliners ng CANORECO noong October 2, 2021 sa CANORECO Daet Area Office para sa mas maayos na serbisyo sa mga Member Consumer Owners (MCO).
Nasa 16 Office Frontliners ng CANORECO na binubuo ng 8 Tellers, 3 Consumer Welfare Assistants at 5 Member Services Division personnel ang tinuruan na mas makilala ang kanilang mga sarili at gamitin ang mga lakas na natuklasan nila para sa mas maayos na serbisyo sa mga MCO ng kooperatiba.
Sa patnubay ng Human Resource and Administrative Division (HRAD), ang seminar ay isinagawa ni Ms. Febelin Peña (MS. Febs) – OGM Secretary – at ni Ms. Marielle Sison (Ms. Yel) – BOD Secretary – na dati nang dumalo sa isang 3-Day Personality Development Seminar na isinagawa ng National Electrification Administration (NEA).
Maliban sa mga mahahalagang impormasyon, ikinatuwa ng mga kalahok ang mga aktibidad na ipinagawa nila Ms Febs at Ms. Yel, gaya ng DIOC Profile at ng Multiple Intelligences Survey. Nailabas din dito ng mga Frontliner ang mga suliranin na kanilang araw-araw na kinakaharap sa kanilang mga tungkulin.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph



