CANORECO Balita

Resulta ng CANORECO District Elections sa Distrito ng Basud at Daet North

Matagumpay na naisagawa ang District Elections para sa pagka-Director ng CANORECO sa Distrito ng Basud sa Basud Central School noong July 2, 2022 (Sabado) at sa Distrito ng Daet North sa Daet Elementary School noong July 9, 2022 (Sabado).
Nailuklok bilang bagong Director ng Distrito ng Basud ang nag-iisang tumakbong kandidato na si Mr. Ruel S. De Vera na nakakuha ng 19 votes, at ang nagbabalik na Director ng Distrito ng Daet North at nag-iisa ring tumakbong kandidato na si Engr. Benigno Elevado na nakakuha ng 4 votes.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng kooperatiba sa mga Public School Teachers, Principals, CANORECO MCO Officers at Employees na nag-serve bilang District Election Committee (DECOM) at Precinct Election Committee (PECOM); at sa mga MCO na nag-exercise ng kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa ating kooperatiba.
Muli ring nagpapasalamat ang pamunuan ng CANORECO sa Department of Education (DepEd) sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba.
Isasagawa ang panunumpa sa tungkulin ng nagbabalik na Director ng Daet North sa gaganaping 39th Annual General Membership Assembly o AGMA sa August 27, 2022. Magsisilbi sya ng tatlong (3) taon bilang bahagi ng CANORECO Board of Directors (BOD). Samantala, ang bagong upong Director ng bayan/distrito ng Basud ay magsisilbi ng dalawang (2) taon lamang sa kadahilanang ipagpapatuloy lamang niya ang natitirang termino ng dating Director na si Mr. Cesar Elizario na nag-resign nito lang taon dahil sa kanyang edad.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph