CANORECO Balita

Resulta ng CANORECO District Elections sa Distrito ng Labo at Sta. Elena

Matagumpay na naisagawa ang District Elections para sa pagka-Director ng CANORECO sa Distrito ng Labo sa Labo Elementary School noong July 16, 2022 (Sabado); at sa Distrito ng Sta. Elena sa Sta. Elena Elementary School, San Vicente Elementary School, Rizal Elementary School, Basiad Elementary School, M. Hebrado Elementary School, Bulala Elementary School at Pulongguit-guit Elementary School noong July 23, 2022 (Sabado).
Nailuklok bilang bagong Director ng Distrito ng Labo ang nag-iisang tumakbong kandidato na si Mr. Ariel F. Delos Reyes na nakakuha ng 8 votes, at ang nagbabalik na Director ng Distrito ng Sta. Elena na si Incumbent Director Melchor D. Antigua na nakakuha ng 640 votes laban kay Mr. Sonny B. Pagao na nakakuha ng 520 votes.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng kooperatiba sa mga Public School District Supervisors, Principals, Teachers, CANORECO MCO Officers at Employees na nag-serve bilang District Election Committee (DECOM) at Precinct Election Committees (PECOM); at sa mga MCO na nag-exercise ng kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa ating kooperatiba.
Muli ring nagpapasalamat ang pamunuan ng CANORECO sa Department of Education (DepEd) sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba.
Isasagawa ang panunumpa sa tungkulin ng bagong Director ng Labo at ng nagbabalik na Director ng Sta. Elena sa gaganaping 39th Annual General Membership Assembly o AGMA sa August 27, 2022. Magsisilbi sila ng tatlong (3) taon bilang bahagi ng CANORECO Board of Directors (BOD).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph