Dahil ngayong buwan ng Oktubre ipinagdiriwang ng CANORECO ang Foundation Anniversary nito, ilang aktibidad ang isinagawa at isasagawa ng ating kooperatiba upang ipagdiwang ang nasabing okasyon na gaganapin sa October 23, 2021.
Nauna na ang Tree Planting Activity noong October 9, 2021 sa Resettlement Site ng Brgy. Matacong sa San Lorenzo Ruiz kung saan nagtanim ng Mahogany seedlings sa nasabing lugar katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang nasabing aktibidad ay ginagawa ng mga opisyal at empleyado ng kooperatiba ilang beses din sa isang taon bilang kapalit ng pagti-trim at pagpuputol ng mga punong kahoy sa mga lugar na dinadaanan ng mga linya at poste ng kuryente.
#Happy46thFoundationAnniversaryCANORECOMCOs
#CANORECOItoAyAtinPangalagaanNatin
#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement



