CANORECO Balita

PUBLIC HEARING PARA SA APPROVAL NG EMERGENCY CAPEX NAKATAKDA SA NOBYEMBRE 14, 2019

Magkakaroon ng Public Pre-Trial Conference para sa Energy Regulatory Commission (ERC) Case No. 2019-059RC para sa approval ng Emergency Capital Expenditure (CAPEX) sa Nobyembre 14, 2019, Huwebes, ganap na 10:00 ng umaga. Ito ay tungkol sa pagbili at pag-install ng bagong 10MVA Power Transformer kapalit ng sirang 5MVA Power Transformer sa Calintaan Substation.

Ang sirang 5MVA Calintaan Substation na ikinabit noong taong 1975 ay pagmamay-ari ng National Grid Corporation of the Phil. (NGCP) na nirerentahan ng CANORECO at nagsusupply ng kuryente sa mga bayan ng Talisay at Vinzons.  Noong October 19, 2018, nasira ang Power Transformer nito habang isinasagawa ang Annual Preventive Maintenance at pagkatapos ng mga pagsusuri ay idineklara nga itong “beyond repair” at nangangailangan ng agarang kapalit upang maiwasan ang malawakang pagkasira.

Para patuloy pa ring masuplayan ng kuryente ang mga bayan ng Talisay at Vinzons ay inilipat muna ang load nito sa mga kalapit na 10MVA Calintaan Substation at 10MVA Lag-on Substation. Ngunit ang pagtaas ng load ng mnga nasabing Substations ay nagiging sanhi ng pag overload sa 10MVACalintaan Substation. Upang matugunan ang nasabing problema ay kinailangan ang pagbili ng bagong 10MVA Power Transformer kapalit ang nasirang 5MVA NGCP-owned Power Transformer.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.