Matagumpay na naisagawa ang district election para sa Board of Directors ng CANORECO para sa bayan ng Basud at Capalonga. Ang halalan ay ginanap sa Basud Elementary School noong ika- 6 ng Hulyo 2019 para sa District I at sa Capalonga Elementary School noong ika-13 ng Hulyo 2019 para sa District VIII.
Muling nahalal na Director ang mga sole candidates at incumbent Directors na sina G. Cesar L. Elizario(unang larawan) ng Basud at G. Allan V. Ojas(ikalawang larawan) ng Capalonga.
Ang pamunuan ng CANORECO ay nagpapasalamat sa DEP-ED at District Election Committee na pinamumunuan nina G. Nilo Odi at Gng. Erlyn B. Esturas.
Samantala, gaganapin naman ang election para sa Board of Director ng Talisay/San Vicente (District V) ngayong darating na Sabado, Hulyo 20, 2019 simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon. Isasagawa ang nasabing election sa mga sumusunod na voting centers:
VOTING CENTERS/SCHOOL PRECINCT NO. BARANGAY
TALISAY
I. TALISAY E/S 1 POBLACION (A-Z)
2 BINANUAAN/ITOMANG
3 CAHABAAN/CALINTAAN / GABON
4 SANFRANCISCO/SAN NICOLAS
II. M. CACHO E/S 5 SAN JOSE/DEL CARMEN
III. STA. ELENA E/S 6 STA. ELENA
IV. STA. CRUZ E/S 7 STA. CRUZ/CAAWIGAN
V. SAN ISIDRO E/S 8 SAN ISIDRO/STO. NIÑO
SAN VICENTE
I. SAN VICENTE E/S 1 POBLACION
2 CABANBANAN/MAN-OGOB
3 SANJOSE / FABRICA / IRAYA SUR
CALABAGAS / ASDUM
Dalawa ang naging kwalipikadong kandidato sa katauhan ni G. Juancho A. Gaco
(Incumbent director) at si G. Bartolome Armin T. Nieva.
Ang District Election Committee o DECOM at Precinct Election Committee o PECOM na binubuo ng District Supervisor, MSEAC Chairperson ng Talisay/San Vicente, Principals at Teachers ang syang mamamahala at magsasagawa ng eleksyon.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

