Tumaas ang billing rates na babayaran para sa February 2021 billing. Ang residential rate ay Php9.3168 per kWh na kumpara sa Php9.2990 per kWh noong nakaraang January 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php8.3632 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php6.6455 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na nasa Php0.0178 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng GRAM/ICERA ng Php0.0290 per kWh, Lifeline Subsidy ng Php0.0057 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0034 per kWh.
Tumaas din ang Generation Charge sa Php4.9563 per kWh dahil sa pagtaas ng Newcastle Coal Index at ng US Consumer Price Index components ng billing ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) para sa supply month ng January 2021. Gayunman, bumaba rin naman ito sa Php4.8632 per kWh matapos ibawas ang Operation Efficiency Discount at Security Deposit Incentive mula sa APRI.
Ang presyo naman sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay naapektuhan ng forced and planned outages of generators, pagbaba ng system demand noong holiday season, at mababang supply margin bunsod ng forced maintenance outages of major Luzon power plants.
Ang WESM at APRI ang mga power generators na kasalukuyang power suppliers ng CANORECO.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau and Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.


