Ipinagdiwang ng CANORECO ang ika-47 Founding Anniversary ng kooperatiba sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad/programa ngayong October 2022.
Naghanda ng isang maikli at simpleng Founding Anniversary Program ang CANORECO noong October 24, 2022 sa CANORECO Talisay Main Office sa pangunguna ni CANORECO General Manager kung saan pinarangalan ang mga kawani na nagpamalas ng kagalingan ngayong taon sa mga aktibidad na isinagawa ng kooperatiba: Task Force Kapatid (TFK) “Odette” Linemen, Task Force Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) Special General Membership Assembly (SGMA) Assisting Personnel, Seminar Speakers, Inter-Office Competition Representatives (Basketball, Volleyball, Singing Contest), Loyalty Awardees (15 Years in Service, 30 Years in Service), Employee of the Year Awardees (Supervisory Employee, Rank and File Employee), E-Games at Board Games Awardees, at Appreciation Award to the General Manager for the 6 Consecutive Triple A (AAA) Categories of CANORECO Since 2016.
Nagkaroon ng Clean Up Drive Activity noong October 22, 2022 sa Baybay Beach, Brgy. 3, Mercedes kung saan nagtulong-tulong ang mga empleyado ng CANORECO na malinisan ang tabing-dagat, kasama si Director Juanito Palmero ng distrito/bayan ng Mercedes.
Nagsagawa ng Mangrove Planting Activity noong October 21, 2022 sa tabing-dagat ng Sitio Mandulungan, Brgy. Gubat, Daet kung saan nakapagtanim ng 150 mangrove plants sa nasabing lugar ang na makakatulong na mapigilan ang shoreline erosion at maprotektahan ito mula sa pagbaha, malalakas na hangin at alon, at tsunami.
Patuloy ang Blood Letting Activity kaagapay ang Philippine Red Cross – Daet Chapter na isinagawa naman noong October 20, 2022 sa CANORECO Daet Area Office kung saan nakakuha ng 17 sa 15 target successful donors.
Nagsagawa naman ng Adopt-A-School Program noong October 19, 2022 sa Resettlement Elementary School sa Purok 7, Brgy. Matacong, San Lorenzo Ruiz kung saan nakapagpakain at nakapagbigay ng School Kits sina CANORECO Board President Marcial Ferrer, San Lorenzo Ruiz/Daet South District Director Fernando Cruz at MCO San Lorenzo Ruiz Municipal Chairman Hipolito Macale sa 59 na estudyante ng nasabing paaralan mula Kinder hanggang Grade 6 na pinamamahalaan ni Teacher-In-Charge Glenn Efondo kasama ang tatlo (3) pang Multi-Grade Teachers.
Bago ang lahat ng ito, sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang E-Games at Board Games Tournament (Mobile Legends, Chess, Scrabble) sa pagitan ng mga kawani ng kooperatiba noong October 10-14, 2022 na ginawa after office hours sa CANORECO Talisay Main Office at CANORECO Daet Area Office.
Asahan naman ang pinakahuling programa na Founding Anniversary Raffle Draw sa November 4, 2022 na gaganapin sa CANORECO Talisay Main Office kung saan ang lahat ng konsumidores ng kooperatiba, maliban sa mga opisyal, empleyado at mga asawa, ay maaaring makasali at manalo kung sila ay walang moroso at nakabayad ng hanggang September 2022 electric bill. Nasa 66 konsumidores ng kooperatiba ang maaaring manalo ng Laptop Computer, Cellphone Units, SM Gift Cards, Electric Fans at Grocery Packages.
Muli, nagpapasalamat ang CANORECO sa mga opisyal at empleyado na siyang nagpapatakbo sa kooperatiba, at sa mga MCO na sya namang nagmamay-ari sa kooperatiba. Nawa’y maging mas maayos ang kooperatiba, at ang mga kawani at MCO nito sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph